What's on TV

EXCLUSIVE: Eugene Domingo, dapat daw abangan ang mas pinabonggang 'Dear Uge'

By Cara Emmeline Garcia
Published May 24, 2019 11:10 AM PHT
Updated May 24, 2019 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Nagkuwento si Eugene Domingo ng mga dapat abangan ng mga loyal viewers ng 'Dear Uge.' Alamin kung anu-ano ang mga ito.

Mas bago at mas updated na Dear Uge raw ang dapat antabayanan ng mga manunuod sa nalalapit na Hunyo sa nag-iisang comedy anthology show.

Eugene Domingo
Eugene Domingo

'Yan ang pahayag ni Kapuso comedienne Eugene Domingo sa GMANetwork.com sa naganap na photo shoot ng weekly series noong May 3.

Pahayag ng award-winning actress, isang malaking challenge raw para sa buong cast and crew ang patuloy na maging updated sa mga gusto ng manunuod lalo na't ipinagdiwang na nila ang ika-4 na anibersaryo ng show noong February 14, 2019.

“Siyempre thankful ako palagi but the challenge is how to make it more interesting as the years go by. Siyempre lahat naman ng bagay nagbabago 'di ba?

“So, sumasabay kami dun sa gusto ng audience. Kasi 'di naman titigil 'yun sa kayo ang the 'only comedy anthology' sa bansa.' So ano ngayon?

“Dapat every now and then you improve, you try different things to make it interesting and entertaining for the audience. Kasi ang audience naman talaga ang unang-una naming iniisip na maging masaya.”

#dearuge! Every sunday! Sa gma 💕 Thank you always! Mas marami pang #kuwentongpinoy for all of you! 👊🏼👍🏼💖

A post shared by Ms. EUGENE 🇵🇭🇮🇹💝 (@eugenedomingo_official) on

Dagdag pa niya, mas pinaghandaan nila ang mga susunod na episodes na tunay na katutuwaan ng fans ng show.

“Marami kaming mga hinahanda most especially sa mga kuwento namin.

“We will focus more on mga kuwentong Pinoy na lahat makaka-relate. So meaning, mula teens, millennials, pwede rin sa mga nanay, kasambahay, sa mga lalaki, at saka sa mga 40s and above.

“Also, we are combining 'yung mga love teams na, 'O! Pwede pala sila.' at mga komedyante na mag-guest sa Uge Variety Store.”

Isa na sa kumpirmadong bibisita sa tindahan ni Uge ay si Michael V na ayon kay Eugene ay isa sa kaniyang mga “dream guest” sa show.

Si Michael V. (@michaelbitoy) ng #PepitoManaloto, makiki-jamming kay #DearUge sa variety store. At ano itong sinasabi nilang dadalaw na may chocolates para magkaroon ng magandang #FamilyHistory? Manood ng Dear Uge para malaman.

A post shared by GMA Dear Uge (@gma_dear_uge) on

Antabayanan ang mas pinabonggang Dear Uge tuwing Linggo pagkatapos ng Sunday PinaSaya.

WATCH: Michael V, naki-jam sa tindahan ni Uge

EXCLUSIVE: Eugene Domingo ibinahagi ang kaniyang mga dream guests sa tindahan ni Uge