What's on TV

EXCLUSIVE: Eugene Domingo, feeling lucky na umabot ng 5 years ang 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun
Published June 14, 2018 7:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trillion Peso March 'gang leader' nabbed for robbery, homicide in Nueva Ecija
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Tinuturing ni Eugene Domingo na naging maswerte siya dahil umabot na ng 16 seasons ang kanyang show na Celebrity Bluff.

Masuwerte kung ituring ni Eugene Domingo ang kanyang sarili dahil ang all-original Pinoy comedy game show na kanyang pinagbibidahan na Celebrity Bluff ay umabot na ng limang taon.

Nitong nakaraang Sabado, June 9, ay nag-celebrate ang programa ng kanilang fifth anniversary kung saan ang mga usual bluffers na sina Boobay, Brod Pete at Donita Nose ang naging players.

IN PHOTOS: Kris Tetay versus Mocha Usog sa 5th anniversary special ng Celebrity Bluff 

Saad ni Eugene, masaya at namangha siya sa narating ng Celebrity Bluff.

Sambit niya sa exclusive interview ng GMANetwork.com, “Ang galing ‘di ba? Super celebration kasi sanay tayo na mabilis lang ‘yung life span ng mga shows natin ‘di ba? Kahit shows ng buong mundo eh.

"Sa TV ‘di ba, parang today kahit sa digital TV, ang bilis lang, one season, two seasons, pero season 16 tayo. Tapos na-maintain natin ‘yung saya ng audience pag nanonood sila, tsaka ‘yung information, crazy facts ganyan. Lahat ng guests nag-e-enjoy.”

Patuloy ni Uge, “Ang suwerte-suwerte ko bilang artist ng Celebrity Bluff, host. Ang suwerte ko kasi binibigyan ako ng show na ang saya at nagbibigay ng saya sa mga Pilipino sa buong mundo.”

Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa lahat ng taong nasa likod ng tagumpay ng Celebrity Bluff.

Wika niya, “Thank you. Nagpapasalamat ako sa GMA kasi tuloy-tuloy ‘yung tiwala nila sa akin at sa mga shows, sa Celebrity Bluff tsaka isama ko na ‘yung Dear Uge. At saka doon sa mga guests and bluffers namin, nagpapasalamat ako. At saka sa audience namin, ang loyal. Tuloy-tuloy pa ‘to. Tuloy-tuloy pa ‘yung saya ng Celebrity Bluff.”