What's on TV

EXCLUSIVE: Eugene Domingo ibinahagi ang kaniyang mga dream guests sa tindahan ni Uge

By Cara Emmeline Garcia
Published May 16, 2019 11:26 AM PHT
Updated May 16, 2019 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Sa dinami-dami ng mga Kapuso actors and actress na nag-guest sa show ni Eugene Domingo na 'Dear Uge,' maramai pa ring nais na maging guest and comedienne. Alamin kung sinu-sino ang mga ito.

Noong Pebrero 14, 2019, ipinagdiwang ang ika-apat na taon ng nag-iisang comedy anthology sa bansa ang Dear Uge.

Eugene Domingo
Eugene Domingo

Sa higit na 150 episodes ng show marami-rami na rin ang bumisita sa tindahan ni Uge, ang karakter ni Eugene Domingo sa show.

Pero sa dinami-dami ng mga Kapuso actors and actress na nag-guest sa show, mayroon pa kayang dream guests ang comedienne?

“Marami!” sagot ni Eugene habang kinakapanayam ng GMANetwork.com.

“Of course, isa na diyan ang aking Queen of Comedy na si Aiai delas Alas!

“Marami rin ang nagre-request na bumisita si Maine Mendoza.

“At kung may time, si Michael V. Kasi alam kong busy siya pero kahit dumaan lang siya, masaya na ako. Bumili lang ng tinapay o kaya ng kendi, basta dumaan o napadaan lang.”

A post shared by Ms. EUGENE 🇵🇭🇮🇹💝 (@eugenedomingo_official) on

Isang proud stage mother din si Eugene nang malamang napakaraming artistang lumago ang career nang ma-discover sa weekly show.

“I'm proud kasi sa Dear Uge maraming nadi-discover at ayun naman gumaganda ang kanilang career sa buhay. Katulad na lamang ni Jessah Chichirita sa Daddy's Gurl pati ni Clint Bondad na nasa Love You Two na.

“So, natutuwa naman ako na nabibigyan namin ang mga newcomers to shine and gumalaw ang careers nila.

Dagdag pa niya, “Natutuwa talaga ako kasi that's how I started.

“When I started, our senior directors and senior actors gave me their faith and they gave me a chance to shine kaya ako nakarating dito.

“And 'yun din 'yung gusto ko na makatulong din sa mga bagong komedyante na mabigyan sila ng chance na mapanood ng mga viewers and to shine also.”

Subaybayan ang mga darating na guests sa nag-iisang comedy anthology sa bansa ang Dear Uge, tuwing Linggo pagkatapos ng Sunday PinaSaya.

Clint Bondad thanks Jennylyn Mercado for incluencing him to become a Kapuso