
Challenging para sa Filipino-American model turned actor na si Matthias Rhoads na hindi siya bihasa sa wikang Filipino, lalong lalo na at siya ang leading man ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa inaabangang GMA Telebabad soap na Super Ma’am.
“That’s very difficult. My mom didn’t really raise me to speak Tagalog. That’s a challenge ‘cause most of the instructions that are given to you are in Tagalog,” saad ng baguhang Kapuso actor sa eklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Bago pa man siya sumabak sa taping ng telefantasya, pinaghandaan na ng Kapuso hunk ang kanyang role sa pamamagitan ng pagkuha ng Tagalog lessons.
Mahirap man daw ito, handa naman siyang mag-adjust para sa cast at crew ng production, “Everybody knows I’m learning, but I don’t want them to have to change or make any long process just because I have a language barrier.”
Paano niya naman ito nagagawa? “I get a lot of context clues from what’s going on, the way things are being directed, [and] if I have questions I, I ask.”
Karamihan daw sa kanyang linya ay sa wikang Ingles ngunit meron din siyang mga Tagalog lines kaya mas mabuti na raw na handa siya sa taping.