
Taos-puso ang pasasalamat ng Kapuso actress Frances Makil-Ignacio sa mga tao na walang-sawa sumusubaybay sa number one weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko tuwing Linggo ng gabi.
READ: Lalaban si Pinoy Santa para sa mga apo ni Reyna Lola | Ep. 101
READ: Frances Makil-Ignacio calls Gloria Romero "gem of the showbiz industry"
Ipinagdiriwang ng Kapuso show ang second anniversary nito at hitik sa sorpresa at star-studded ang mga napili nilang celebrity guest tulad na lang ni Alden Richards at Katrina Halili.
Sa exclusive interview ni Frances sa GMANetwork.com ngayong Lunes, April 8, sinabi nito na nagulat sila ni Ms. Gloria Romero sa success ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
“Sobrang-sobrang saya kami lalo na kami ni Tita Glo (Gloria Romero) nag-uusap kami nung nag-uumpisa, siyempre hindi natin alam kung ano mangyayari. Ang hirap ng papasukin natin, tapos ang slot na napuntahan namin parang ang kalaban titan na 'yun.”
Dagdag niya, “Pero tingnan mo nga naman, kapag gumagawa ka ng magandang kuwento 'yun lang it's all about the story at kitang-kita naman sa trabaho nila Direk Rico (Gutierrez) ang galing niya!”
Pinuri din ni Frances ang visionary director nila na si Rico Gutierrez para sa husay niya sa kaniyang trabaho na tinawag din niya na isang 'henyo.'
Aniya, “Sobrang sarap, sobrang gaan [katrabaho].
“Bukod sa kaklase ko siya nung college pa lang alam ko na henyo talaga ito (Rico Gutierrez).”