What's Hot

EXCLUSIVE: Gabby Concepcion pahinga muna sa mga heavy drama roles

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 16, 2020 7:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

AFP calls out disinformation on alleged P15-B ghost projects
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



“Sana lahat ng projects na gawin ko, puro ganito lang light. Like pang pamilya lang para wala masyadong sigawan, iyakan, bugbugan. Kasi minsan nakakasawa na 'yan di ba, at saka mabigat sa dibdib.” - Gabby Concepcion


Ilang tulog na lang mga Kapuso at malapit n’yo nang mapanood sa telebisyon ang pinakabagong superhero/comedy series na magbibigay saya sa inyo ang Tsuperhero.

Ito ay pagbibidahan ng isa sa mga pinakasikat na love team ng bansa na sina Derrick Monasterio at Bea Binene.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa isa sa mga cast ng show na si Gabby Concepcion sinabi nito na dapat abangan ng mga televiewers ang tambalan ng DerBea sa Tsuperhero.

“Alam mo naman sila mga bagets ‘tong mga ito, ngayon ko lang sila makakasama, ngayon ko lang sila makikita together eh hindi ko pa nakikita ‘yung silang dalawa lang, hindi ko pa nahuhuli. Oo kaya ‘yung camera ko parating ready baka makunan ko sila ng snapshot. Pero okay naman sila, bagay naman sila at mukhang magiging maganda naman ang tambalan nila. Of course ano siya ano jeepney driver [Derrick Monasterio] siya yung Tsuperhero at pinagtatanggol niya ‘yung kaniyang Lois Lane 'yan ‘yung role na gaganapin niya. So abangan na lang natin kung ano ‘yung magiging hitsura nun pero mukhang okay naman.”

Bilib din ang tinaguriang Boss Yummy sa mga makakasama nilang comedians sa Tsuperhero. Aniya, “Kaya bilib ako sa mga comedian, kasi siyempre dala nila ‘yung show at natural lang sa kanila ‘yun eh.”

Dagdag pa ni Gabby na nilo-look forward niya na gawin ang project na ito, dahil gusto daw muna niya mag-break mula sa paggawa ng mga heavy drama shows.

“Sana lahat ng projects na gawin ko, puro ganito lang light. Like pang pamilya lang para wala masyadong sigawan, iyakan, bugbugan. Kasi minsan nakakasawa na 'yan di ba, at saka mabigat sa dibdib.”

MORE ON 'TSUPERHERO':

EXCLUSIVE: Alma Moreno opens up about her son Mark Anthony Fernandez a week after he was arrested

Bea Binene on the DerBea love team: "Hindi kami scripted"

EXCLUSIVE: Betong Sumaya nagkuwento kung papaano dinamayan ng buong 'Tsuperhero' cast si Alma Moreno sa pagsubok na kinakaharap nito