
Inisa-isa ni Tower of Power ng Olongapo Garrett Bolden ang kanyang mga plano pagkatapos ng The Clash sa exclusive interview sa kanya ng GMAnetwork.com,
Aniya, "Future plans ko is syempre, career-wise, gusto ko ilabas ang mga sinusulat kong songs. Work on a single. Lahat ng opportunities na puwede. Siguro if may chance to act, ganyan. Singing, hosting."
Ano naman ang dapat abangan kay Garrett sa finale ng The Clash?
Ika niya, "Siguro dapat nila abangan na fearless. Yung Garrett na gusto i-prove na ako na ang dapat manalo this time. And na hindi ako kagaya ng iba."
Makakasama kaya si Garrett sa final five Clashers? Abangan ngayong Sabado sa The Clash!