
Isa si Glaiza de Castro sa pinaka-talented na Kapuso star. Maliban sa husay niya sa pag-arte, marami ang humahanga sa kanya sa kanyang pag-compose ng musika at pagkanta. Pero, bibitawan ba muna niya ang kanyang music career para mag-concentrate sa acting?
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, inamin ng aktres na may kailangan siyang unahin sa pagitan ng dalawa niyang hilig.
Aniya, “Siguro time management talaga ‘tsaka ‘yung mga priorities ‘yung kailangan kong pagtuunan ng pansin ngayon, kung ano ‘yung kailangan ko munang tapusin, ganun. Sa ngayon kasi priority ko ‘yung Contessa pero unti-unti nasusubukan kong magpasok ng mga meetings in terms of what we want to do for our next album.”
Kahit tutok si Glaiza sa Kapuso afternoon prime, hindi raw niya kayang talikuran ang kanyang musika.
Sambit niya, “Hindi ko naman siya minamadali pa sa ngayon pero sa ngayon tina-try ko pa rin i-figure out kung ano’ng direction niya, kung anong magiging sound niya while doing acting.”
“Tuloy pa rin. Pahapyaw-hapyaw… hina-haunt niya ako eh, kailangan siya sa life,” dugtong niya.