
Hinahangad ni Clasher Golden Cañedo ang maging katulad ni Asia's Songbird Regine Velasquez.
Sa exclusive interview ng GMAnetwork.com, sinabi ni Golden, "Gusto ko pong maging parang si Ms. Regine Velasquez.
“Kung ano pong kanta niya, kinakanta ko rin po.
“Gusto ko po mapantayan si Ms. Regine. Or hindi naman po sa mapantayan, pero gusto ko po maabot 'yung naabot din niya."
Ano naman kaya ang dapat abangan sa performance ng Golden Voice ng Cebu?
Sagot niya, "Mas with a heart pa po [ang performance ko.] Kasi gusto ko lang po maging consitent sa performance ko."
Dagdag pa niya, "Tuloy pa rin po, manalo or matalo tuloy pa rin ako sa singing career ko kasi bata pa po ako.
"Gusto ko pa pong maipakita sa lahat na kaya ko 'yun."
Makakasama kaya si Golden sa final five Clashers? Abangan ngayong Sabado sa The Clash!