GMA Logo Hannah Precillas and Joanna Precillas
What's Hot

EXCLUSIVE: Hannah Precillas, ibinahagi ang estado ng kalusugan ng ina

By Maine Aquino
Published November 20, 2020 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Hannah Precillas and Joanna Precillas


Ang ina ni Hannah Precillas ay na-diagnose na may Stage 5 Chronic Kidney Failure.

Ikinuwento ng Kapuso OST Princess na si Hannah Precillas ang estado ng kalusugan ng kanyang ina na na-diagnose na may Stage 5 Chronic Kidney Failure.

Ayon kay Hannah, hanggang ngayon ay sumasailalim pa rin sa dialysis ang kanyang mommy na si Joanna Precillas. Saad ng singer, three times a week ang dialysis ng kanyang ina.

"She's still undergoing dialysis, three times a week. May times talaga siyempre alam natin na nanghihina siya pero ipinapakita niya na kaya niya o okay lang siya. Deep inside I know na mahirap for her."

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Hannah na pinipilit niyang maging matatag para sa kanyang ina.

"That's why ako, bilang anak, ayoko ipakita din 'yung hirap ko kasi alam kong mahihila ko rin siya pababa. What I can do is ipakita pa sa kanya, i-inspire pa siya sa pang-araw araw."

Hannah Precillas and Joanna Precillas

Photo source: @hannahprecillas

Binalikan rin ni Hannah ang kanyang hiniling noong birthday niya last August. Lahat sana umano ng may wish para sa kanya ay ipasa na lamang sa kanyang ina.

"'Yun yung wish ko noong birthday ko na hindi na lang para sa sarili ko, para na lang sa mom ko. 'Yung wish ng mga tao, imbes na for me, para na lang sa mom ko."

Nag-iwan naman si Hannah ng payo sa mga tulad niya na humaharap sa pagsubok at lumalaban para sa kanilang pamilya.

"Huwag na huwag kayong mawalan ng pag-asa. Always, always pray because he is listening to us."

Dugtong pa ng Kapuso singer, "Hindi niya ibinibigay ang challenges sa atin kung alam niyang hindi [natin] kaya. Lagi tayong magdasal and maniwala na lilipas din lahat ng nararanasan natin ngayon."

Payo rin ni Hannah na laging maging masipag para makamit ang mga ninanais sa buhay. Importante rin umano ang lakas ng loob sa pagharap sa kahit ano mang pagsubok.

"Siyempre sabayan natin ng sipag at tiyaga kumbaga. Kung nakatunganga ka lang walang mangyayari sa'yo. Maniwala ka sa sarili mo siyempre bago ka gumawa ng isang bagay. Maniwala ka muna sa sarili mo para paniwalaan ka rin ng ibang tao. Maging matibay lang ang loob, 'yun ang the best."

Nitong August 23, nagkaroon ng benefit online show si Hannah para sa pagpapagamot ng kanyang ina. Tinawag itong "Hannah: A Daughter Sings for Her Mother"

Related links:

Hannah Precillas, gustong sumali muli sa international singing competition

'The Clash' contestant Sheemee Buenaobra recalls joining Indonesian music talent show