
Aminado si Pinay weight-lifting champion na si Hidilyn Diaz na simula nang manalo siya ng silver medal sa Rio 2016 Olympics, mas naging conscious siya sa kaniyang mga galaw, ugali at pakikitungo sa ibang tao.
“No'ng una, gano'n ako. After ko manalo sa Olympics, okay na ako e!
“Okay na ako na mag-stop sa weight-lifting. Wala kang ini-inspire na tao, gano'n,” sabi ni Hidilyn sa kaniyang panayam sa GMANetwork.com na naganap noong People of the Year Awards Night sa Marriott Hotel sa Pasay City.
Ang tanging hangad lamang ni Hidilyn bago siya magka-medalya ay mag-train at mag-compete lang.
“Pero no'ng pagdating ko dito, grabe ang daming tao, ang daming bata, ang saya-saya nila. Inisip ko no'n, 'Bakit gano'n?'
“Tapos do'n ko na-realize, hindi lang pala dapat puro medal o puro panalo ang dapat na iniisip ng isang atleta. May responsibilidad din pala tayo.
"After ko manalo sa Olympics, ang laki na pala ng responsibilidad ko na maging positive influence to them.”
Di man niya plinano noong una, natutunan na ring tanggapin ni Hidilyn ang kaniyang pagiging role model para sa mga kabataang atletang naghahangad na makipagbigay ng karangalan sa bansa.
“Hindi ko ine-expect. Atleta lang ako. Ay, sorry, atleta ako!
“Ang ginagawa ko, kain, tulog, training, tapos ulit na naman the next day. Gano'n lang.
“Kaya in-embrace ko na lang siya. Nanghingi rin ako ng guidance kay God at sa mga taong nakapalagid sa akin.
Proud din si Hidilyn na itinuturing siya ng karamihan bilang isang modelo ng “women empowerment.”
Nais ni Hidilyn na maihatid sa lahat ang mensahe na ang weight-lifting ay hindi lang para sa mga kalalakihan. Kahit mga babae ay pwede ring mag-excel sa ganitong larangan.
“Ine-embrace ko kung ano ang meron ako. Gaya ng muscles ko. I'm so proud of my muscles kasi ito yung pinaghirapan ko, ito yung pinag-te-training-an ko.
“Lahat ng hirap ko andito, lahat ng iyak ko andito. It shows who I am.
“Andito rin ako para i-prove na weight-lifting is not for men only. It is for women din. As you can see, lahat ng babae nananalo sa sports, sa Asian Games.
“Pinapakita lang namin na kaya namin lumaban at manalo sa Olympics.”
EXCLUSIVE: Hidilyn Diaz, naghahanda na for Tokyo 2020: "Malaki po ang chance natin"
Kasalukuyang busy sa training si Hidilyn Diaz. Pinaghahahandaan ng Zamboanga native ang qualifying competitions na kailangan niyang malampasan at mapanalunan upang magkaroon siya ng tsansang makasali sa Tokyo 2020 Olympics.
Ready si Hidilyn na ibigay na ang lahat-lahat para sa Tokyo Olympics, dahil plano na rin niyang lumagay sa tahimik pagkatapos ng prestihiyosong torneyo.
“Yes yun ang nakikita ko na exit ko siya. Gusto ko rin mag-asawa, magpakasal.
“Gusto ko rin magkaroon ng simpleng buhay.
“Hindi ko pa alam ang magiging future ko after Tokyo 2020. Pero I will do my best first sa 2020.
“One step at a time lang muna tayo. Yun muna ang focus ko ngayon.”
READ: Asian games golden girl Hidilyn Diaz also wins at love