
Dalaga na si Duday!
Natatandaan n'yo pa ba si Duday sa hit sitcom na Daddy Di Do Du noon? Tiyak na magugulat kayo dahil dalaga na si Isabelle de Leon!
LOOK: Isabelle de Leon is all grown up!
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ng dating sikat na child star na hanggang ngayong dalaga na siya ay Duday pa rin daw ang tawag sa kanya. Ayon kay Isabelle, wala naman daw problema kung bata pa rin ang tingin sa kanya ng mga tao.
Masaya nga raw siya na naaalala ng manonood ang kanyang role noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya. "Masaya, ang laki po ng utang na loob ko sa character na 'yon kasi kahit papaano, naaalala po ako ng tao bilang si Duday," paliwanag niya.
Pero ngayong dalaga na, kailangan na raw niyang lumayo sa image ni Duday. Biro niya, "Diet-diet din ako para makita naman nila na nagdalaga na ako, 'di ba?"
MORE ON ISABELLE DE LEON:
21 celebrities who started showbiz below 10 years of age
Isabelle de Leon is a first time kontrabida in 'Magkaibang Mundo'
What Isabelle de Leon learned from being a child actress