
First time ni Jak Roberto sa isang foreign country, kaya naman super na-enjoy ng aktor ang “workcation” nila sa Singapore. Sa isang exclusive interview with GMAnetwork.com, naikuwento ni Jak ang experience niya abroad.
Aniya, “Sarap, first country ko ‘yun. Sobrang na-enjoy ko ‘yun. Kasi ‘yung work namin natatapos kami ng maaga. Parang 4PM tapos na kami. Lalo na nung first day hindi pa kami nagte-taping. So, nag-pre-prod muna sila sa Singapore, sa hotel namin. Eh, hindi naman kami kasama sa pre-prod, so namasyal na kami.”
Mga Pinoy fans ng Meant To Be raw ang mga nag-tour sa kanila sa Singapore. Ika niya, “May na-meet kaming mga-taga-Singapore na nanonood ng Meant To Be, sila ang nag-tour sa amin doon. Sila Pau, sila JP, ‘yung mga mababait nating kapwa Pinoy doon sa Singapore. So, sila nag-tour sa amin. Kaya sobrang nag-enjoy kami noong first day. ‘Yung sumunod na mga araw, ang aga namin nag-pa-pack up. ‘Yun nga, 4PM tapos na kami, free na kami 5PM onwards.”
Naikuwento rin ni Jak ang naging schedule nila sa araw-araw na nandoon sila. Aniya, “So, kailangan lang naming gumising na ala-singko the next day kasi magte-taping na ulit kami. Magro-roll kami ng mga 7AM, tapos maaga ulit kami natatapos, so pasyal ulit. Libot ulit, kain kain.”
Isa raw sa na-enjoy ni Jak ay ang pag-shopping sa mga sale sa mall. Kwento niya, “Masaya mag-shopping kasi nandun mga brands, eh. Sale mga mall doon. Simula June, July, August, three months sila bagsak presyo. So, talagang sinulit ko ‘yun. So nandun na ako, bumili ako ng mga damit na kailangan ko sa taping, guesting.”
Saan naman ang mare-reccommend niyang puntahan ng mga Pinoy? Saad ni Jak, “Merlion Park, Sentosa. Na-enjoy namin ‘yung cable car, so lahat. Sobrang saya sa akin bilang ‘yun ang first country na napuntahan ko. Kung baga workcation talaga. Hindi ko nga naramdaman na nagtratrabaho ako nung time na ‘yun.”