What's on TV

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez at Lauren Young, totohanan ang mga sakitan sa 'Legally Blind?'

By AL KENDRICK NOGUERA
Published June 29, 2017 2:28 PM PHT
Updated June 29, 2017 7:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News



Sa nalalapit na pagwawakas ng Legally Blind, mayroong inamin si Kapuso actress Janine Gutierrez tungkol sa mga eksena nila ni Lauren Young sa GMA Afternoon Prime soap.

 

 

Sa nalalapit na pagwawakas ng Legally Blind, mayroong inamin si Kapuso actress Janine Gutierrez tungkol sa mga eksena nila ni Lauren Young sa GMA Afternoon Prime soap.

Kuwento ni Janine sa exclusive interview ng GMANetwork.com, totoo ang mga sakitan nila ni Lauren tuwing nag-aaway ang characters nila na sina Grace at Charie. Aniya, "Oo, totohanan pero pinag-uusapan naman namin. Sasabihin din namin na, oh dito 'yung sampal, etc." 

Ayon kay Janine, nagpapasalamat siya dahil si Lauren ang nakasama niya sa show. Saad niya, "Sobrang suwerte ko talaga na naka-work ko si Lauren kasi napakagaling niya talaga na artista and ang laking bagay na kami 'yung nagsasagutan palagi kasi nadadala rin ako sa galit at sa emotions niya."

Sa huling episodes ng Legally Blind, magiging magkakampi na ang magkapatid na sina Grace at Charie laban kay William, ang role na ginagampanan ni Marc Abaya.

Abangan kung makakamit ba ni Grace ang inaasam na hustisya sa Legally Blind pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.