What's Hot

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, may time pa bang makipag-date kay Rayver Cruz?

By Bianca Geli
Published November 5, 2018 4:35 PM PHT
Updated November 5, 2018 4:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Who is Jasmine Paolini? Alex Eala's Round of 32 foe at the Dubai Tennis Championships
My slow descent into SB19
How to cook 'Beef Broccoli' and 'Steak Tartare' | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News



Busy sa kani-kanilang show sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz. May oras pa ba sila to go on dates?

Abala ngayon ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez sa kaniyang primetime show na Victor Magtanggol, may time pa kaya ito para lumabas at makipag-date sa rumored boyfriend nitong si Rayver Cruz?

Gwen 🦋 Thank you for watching #VictorMagtanggol 🎬😘

A post shared by JANINE 🌺 (@janinegutierrez) on


Sagot ni Janine, “Pareho kaming busy, minsan nagkikita kami kapag may time nagkikita kami.”

Dagdag niya, “Pero okay naman kami, kasi priority naman talaga namin 'yung work and nakikita kong sobrang nag-e-enjoy siya rito sa GMA.”

Supportive din daw siya sa career ni Rayver lalo na't isa ito sa lead actors ng Asawa Ko, Karibal Ko kung saan parte rin ng cast ang kaniyang ina na si Lotlot de Leon.

Aniya, “Nandun din 'yung mommy ko sa show na 'yun eh so nakapagsuporta ako sa pilot week. Happy ako na mataas [na] ratings nila and excited ako sa mga mangyayari sa kuwento.”

May pasilip din si Janina tungkol sa mga mangyayari sa susunod na mga lingo sa Victor Magtanggol.

“Lahat ng malaking tanong masasagot na sa coming weeks. Malalaman na ba ni Loki kung si Victor si Hammerman at kung magpapakasal ba si Gwen kay Tim. Sobrang ang lalaki na ng mga eksena na magaganap,” aniya.

Naghahanda na rin si Janine para sa isang upcoming film project. “May ginagawa akong movie with Regal to come out next year with Enchong Dee.

“Para siyang love story na tungkol sa falling in love and moving on, and lifelong love.”