What's Hot

EXCLUSIVE: Jason Abalos, niyayang lumipat ang twin bro niya na si Rayver Cruz sa GMA

By Aedrianne Acar
Published September 12, 2018 1:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Jason Abalos masaya siya na nasa iisang network na sila muli ng kaniyang celebrity twin na si Rayver Cruz.

Isa sa masaya sa paglipat ng hunk actor na si Rayver Cruz sa Kapuso Network si Jason Abalos.

READ: Rayver Cruz, nag-react sa isang basher na hindi natuwa sa paglipat niya sa Kapuso Network

Matatandaan na noong October 2017, opisyal na naging Kapuso si Jason. Agad din siya napasabak sa romcom series na The One That Got Away na tinutukan ng maraming viewers gabi-gabi sa primetime.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Jason Abalos masaya siya na nasa iisang network na sila muli ng kaniyang celebrity twin.

Aniya, “Ang tawag ko kasi kay Rayver 'bro' tapos lagi pa ako napagkakamalan na siya. Minsan may billboard siya sa EDSA, nakita ko isang beses, nakita ko 'yung picture niya (Rayver Cruz), sabi ko kelan ko 'to ginawa?”

Dagdag pa niya, “Bro, good luck masaya ako. Magkakasama kasi kami sa isang show, parang siyempre masaya ako na may mga kaibigan ako na nandito ngayon sa GMA-7.”

Tinanong din namin si Jason kung humingi ba ng payo sa kaniya si Rayver sa plano niyang paglipat sa GMA-7?

Pabiro niyang sinabi, “Nung paglipat ko last year sabi ko 'bro! tara na!' Sabi ko since kako nandito na si Rodjun [Cruz] di ba? Tapos sabi niya 'oo sige.' Pinag-iisipan na rin niya siguro noong mga panahon na 'yun nabigyan lang siya ng isang show pa sa kabila.”