
"Natutunan ko sa workshop is what Jazz can do, hindi magagawa ng iba." - Jazz
Si Aiko Melendez ang unang gumanap bilang Ana sa award-winning 1992 film na Sinungaling Mong Puso.
Ngayong ini-adapt ito para sa TV, si Kapuso young actress Jazz Ocampo ang napiling gumanap sa role na ito. Pinalitan din ang pangalan ng karakter mula Ana patungong Hannah para mailayo ito sa katatapos lang na serye sa GMA Afternoon Prime.
READ: Ang mensahe ng orihinal na direktor ng 'Sinungaling Mong Puso' sa bagong cast nito
Kasama ng bagong pangalan ng karakter ay ang bagong take ni Jazz dito.
"Natutunan ko sa workshop is what Jazz can do, hindi magagawa ng iba. What Ms. Aiko can do, hindi magagawa ng iba," pahayag ni Jazz sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
"Ang goal lang po namin here sa cast is to add our own flavor. We'll just give our very best," dagdag nito.
Sinadya rin niyang hindi panoorin ang orihinal na pelikula para maiwasang ikumpara ang sarili kay Aiko.
"Gusto ko ng blank canvas. Gusto ko 'yung how I understand Hannah as a character. Kasi feeling ko 'pag pinanood ko, lalo ako mape-pressure. Kaya ko ba 'yung ginagawa niya? I'll just fill in the character ni Hannah as I go on," paliwanag niya.
Inilarawan din ni Jazz si Hannah, na medyo iba ng kaunti sa mga roles na ginawa niya kamakailan.
"'Yung character ko is strong, brave. Hindi siya nagsu-submit kahit kanino. 'Yung mga past shows that I did was more on pa-sweet, sa That's my Amboy, kawawa. Pero here, parang mas palaban," bahagi niya.
Panoorin si Jazz bilang si Hannah sa Sinungaling Mong Puso, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Magkaibang Mundo sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON JAZZ OCAMPO:
Jazz Ocampo, na-starstruck sa 'Sinungaling Mong Puso' co-stars
Jazz Ocampo dances to Justin Bieber's "Sorry"