
Eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork ang Ika-5 Utos stars na sina Jean Garcia at Valerie Concepcion at dito, kinumusta namin ang mga kaabang-abang na cat fight scenes na kanilang kinunan.
Kinuwento ni Valerie na simula pa lang ay matinding fight scenes na agad ang kanilang ginawa kaya't hindi nila naiiwasang magkasakitan.
Aniya "Diyos ko, napakarami [nang cat fights]! First week pa lang ng taping namin sabi ko sa handler ko 'Ate, insured ba ako dito?' Kasi andami kong pasa-pasa, may bukol ako. Andami talaga lalo na kapag 'yung emotions mo feel na feel mo, hindi mo mapigilan na magkasugatan ng kahit paano 'di ba? 'Yung sa sabunutan makikita mo na lang sa floor ang daming buhok."
Ngunit hindi naman daw sila nagkakapikunan ni Jean dahil madalas silang nag-uusap nito. "Si Ate Jean din naman, we always ask each other after the scene na 'Are you okay? Pasensya na.' So medyo comfortable na at walang hard feelings talaga. Alam namin na it's part of the job pero just to be sure na hindi ka maka-offend, courtesy na mag-uusap kayo after."
Dagdag pa ni Valerie na hindi na raw siya nag-aalangan na masaktan si Jean. Bakit kaya?
"'Nung una natatakot ako with Jean Garcia pero siyempre mas takot ako kay Direk Laurice (Guillen) kasi sabi niya 'Valerie, bakit ka nagho-hold back?' Simula noon, nilagay ko 'yon sa isip ko na okay, hindi pwede [mag-hold back] magagalit si Direk. 'Yun 'yung motivation ko."
Sang-ayon naman si Jean kay Valerie na hindi talaga maiiwasan ang magkasakitan ngunit pinapairal din nila ang kanilang pagiging artista at professional sa tuwing may mga eksena gaya ng sabunutan at sampalan.
"Siyempre kung sa totoong buhay talagang magkakasakitan kayo pero kami naman dahil mga artista naman kami, alalay lang. May totoo like 'yung mga sampal totoo, 'yung sabunot sometimes napapatotoo pero may alalay nang onti," wika ni Jean.
Nagbigay rin si Jean ng advice sa mga kapwa niya artista para kahit paano ay hindi sila magkasakitan. "Hindi ako gagawa ng isang bagay na hindi namin nai-block. Kasi minsan 'yung iba lumalampas doon sa hindi naman 'yun 'yung na-blocking or hindi naman 'yun 'yung napag-usapan 'nung rehearsal kaya nagkakaroon ng sakitan. Kung ano 'yung gusto ni direk, ayon 'yung susundin ko. I'm very sensitive sa ganoon kasi ayoko rin makasakit ng artista."
Abangan ang mga intense na eksena nina Jean at Valerie sa upcoming Kapuso series na Ika-5 Utos sa GMA Afternoon Prime!