What's on TV

EXCLUSIVE: Jean Garcia, ipinakilala ang kanyang karakter sa 'The Gift'

By Marah Ruiz
Published September 16, 2019 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Kilalanin ang karakter na gagampanan ni Jean Garcia sa bagong teleseryeng 'The Gift,' mamayang gabi na sa GMA Telebabad!

Isa ang respetadong aktres na si Jean Garcia sa mga bigating artista na kasama sa cast ng upcoming GMA Telebabad series ng The Gift.

Tila reunion project nila ito ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Alden Richards, masayang makatrabaho muli si Jean Garcia sa 'The Gift'

"We did two [teleseryes], actually. Alakdana [2011], 'yun 'yung first teleserye ni Alden. The second one is One True Love [2012]. This is the third.

"Ilang years na rin! I've missed Alden," pahayag ni Jean sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Masaya naman daw siya na wala itong pinagbago kahit matagal na silang huling nagkatrabaho.

"Si Alden, napakabait na bata niyan. Maski noong nag-uumpisa pa lang siya hanggang ngayon walang pinagbago.

"He's still the same. He's very humble. Palaging naka smile. He greets everyone. He's a good actor," paglalarawan niya sa aktor.

Jean Garcia on Alden Richards: "Mas mabait pa lalo"

Sa The Gift, gaganap si Jean bilang Nadia, ang biological mother ni Sep na karakter naman ni Alden.

Jean Garcia as Nadia in 'The Gift' | Teaser

"She's very religious. Grabe ang faith at pananalig niya sa Panginoon pero darating sa point na may mangyayari sa buhay ni Nadia na tatalikuran niya ang Panginoon because of that. Connected ito sa pamilya niya," bahagi niya.

Looking forward naman daw si Jean na maihatid sa mga manonood ang kuwento ng The Gift.

"Ang aabangan nila dito 'yung drama--drama ng istorya ng isang pamilya at sobrang katatawanan naman ng isa na namang pamilya pa. Maganda 'tong The Gift kasi halo siya. May drama pero meron ding comedy so makaka-relate ang lahat ng tao, lalo na ang pamilya," aniya.

Huwag palampasin ang world premiere ng The Gift ngayong gabi, September 16, pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.