Celebrity Life

EXCLUSIVE: Jennylyn Mercado, mas gustong mag-Pasko sa Pilipinas

By Marah Ruiz
Published December 14, 2018 3:28 PM PHT
Updated December 14, 2018 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino volunteers play key role at Vatican’s Jubilee of Hope
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News



Mahalaga raw para kay Ultimate Star Jennylyn Mercado na makasama ang kanyang mga mahal sa buhay tuwing Pasko.

Mahalaga raw para kay Ultimate Star Jennylyn Mercado na makasama ang kanyang mga mahal sa buhay tuwing Pasko.

Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado

Ito din daw ang dahilan kung bakit mas gusto niyang sa Pilipinas magdiwang ng Pasko.

"Usually 'pag Christmas talaga nasa Philippines kami kasi gusto namin magkakasama lahat ng mga kamag-anak. Ang hirap naman nung ililipad mo sila lahat at magbabakasyon kayo kasi hindi lahat makukumpleto," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

"Mas maganda kung dito na sa Pilipinas, at least mas madaling puntahan at mas madaling gawin. Kumpleto pa 'yung lahat," dagdag pa niya.

Kabilang si Jennylyn sa Kapuso artists na naghanda ng espesyal na pagtatanghal para sa Pasko.

Abangan ang kanilang iba't ibang performances sa Puso Ng Pasko: The GMA Christmas Special sa December 16, 9:00 pm sa GMA!