What's on TV

EXCLUSIVE: Jennylyn Mercado, may mensahe para sa Final 4 ng 'StarStruck'

By Maine Aquino
Published September 15, 2019 2:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado on StarStruck season 7 Final Judgment


Kuwento ng season 1 Ultimate Female Survivor, masaya siya na nasaksihan niya ang naging journey ng artista hopefuls ngayong season 7.

Bago ganapin ang Final Judgment ng StarStruck, nag-iwan ng mensahe si Jennylyn Mercado para sa Final 4.

Kuwento ng season 1 Ultimate Female Survivor, masaya siya na nasaksihan niya ang naging journey ng artista hopefuls ngayong season 7. Kaya naman nagbahagi siya ng kanyang ilang experiences with the artista hopefuls.

"Parang rollercoaster rin 'yung journey nila dito. At the end of the day, ang dami nilang natututunan. Ang dami nilang nae-experience na bago sa buhay nila.

"I'm sure uuwi sila na maraming bitbit na baon."

Bago pa man natin malaman kung sino ang magiging Ultimate Male and Female Survivors, ibinahagi ni Jennylyn ang kanyang mensahe para kina Allen Ansay, Kim De Leon, Shayne Sava, at Lexi Gonzales.

"Mahalin lang nila ang craft nila. Huwag silang titigil na mag-aral sa kung ano ang gusto nilang gawin.

"Enjoy lang nila ang journey ng StarStruck. 'Yun ang importante, 'yung nag-e-enjoy sila."

Abangan ang StarStruck Final Judgment ngayong gabi pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.