What's Hot

EXCLUSIVE: Jo Berry, naging inspirasyon ng mga bata dahil sa 'Onanay'

By Bianca Geli
Published August 20, 2018 7:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI to install more e-gates at Clark, Cebu, Davao airports
SEA Games medalists honored in Talisay City, Cebu Charter Day
Dalagang NAKAAHON SA HIRAP, NALUBOG SA UTANG dahil gastador! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi masukat ang tuwa at kilig ni 'Onanay' star Jo Berry nang bisitahin siya ng mga batang estudyante para magpa-picture at magpa-autograph sa kanya.

Patuloy na umaani ng papuri ang programang Onanay dahil sa tema ng teleserye, at sa kakaiba nitong bida na si Jo Berry.

Kahit kabataan ay namamangha at natutuwa sa bibong karakter ni Jo Berry bilang Onay, at sa mga aral na napupulot mula sa teleserye.

Sa taping ng Onanay sa Siena College, Bulacan ay dinagsa ng mga elementary students ang tinaguriang Little Star na si Jo Berry.

Kuwento ni Jo Berry, laking gulat niya nang may mga batang lumapit at nagpa-autograph sa kaniya. “Ang saya. Kasi genuine 'yung mga bata, at sinasabi nila sa akin na nanunood sila ng Onanay. Tapos nag-ask sila ng picture at nagpa-autograph pa sila. At that early age, Grade Three raw sila tapos happy daw sila na nandoon ako, nanonood daw sila. Ang sarap sa feeling.”

Hindi rin daw inasahan ni Jo Berry na kahit mga bata ay matutuwa sa kanilang teleserye. “Sobrang overwhelmed ako dahil sa pagtanggap nila. Kasi 'yung inisip ko 'nun, 'yung market is halos lahat mommies.

"Kasi 'yung pinaka-storya ng Onanay, tungkol sa motherhood. Pero nagta-tackle rin ng maraming issues tungkol sa mga anak. Nagulat ako na 'yung mga bata, nanonood din sila. 'Yung mga ganun kabata nanonood sila tapos natutuwa sila kay Onay. Ang sarap sa feeling.”