
Walang katapusan na pasasalamat.
Ito ang damdamin ng Owe My Love hottie na si John Vic De Guzman nang isinalarawan niya so far ang kanyang Kapuso journey.
Matatandaan na opisyal na naging part ng GMA Artist Center ang former silver SEA Games medalist at start player ng College of Saint Benilde men's volleyball team last year.
Sa exclusive interview ni John Vic sa GMANetwork.com ngayong Lunes ng hapon, May 24, sinabi nito na naging pamilya niya ang Kapuso Network ngayong may krisis at malayo siya sa kanyang mga mahal sa buhay.
Paliwanag ng hotlete, “Sobrang overwhelming na happiness na naging part ako ng Kapuso, dahil nakilala ko 'yung mga tao nagsilbing family ko ngayong pandemic.
“Kahit malayo ako sa pamilya ko and nagkaroon ako ng chance na matuto sa kanila at the same time ma-share ko 'yung mga alam ko na makakatulong for them.”
Naging susi din ang pagiging Kapuso niya para ma-developed ang iba pa niyang skills outside volleyball.
Wika niya, “Sobrang thankful sa GMA Artist Center na naging part ako bilang talent nila, dahil itong pandemic talaga walang volleyball--alam n'yo naman ang volleyball life namin, ito 'yung work namin, dito kami kumukuha ng income and dahil dito sa GMA nagkaroon ako ng chance 'di ba hindi lang sa volleyball magkaroon ng development 'yung skills ko, pati din sa acting.”
Owe My Love finale
Dahil nalalapit na din ang pagtatapos ng primetime series niya na Owe My Love, kinuha na din ng volleyball player-turned-actor ang pagkakataon na pasalamatan ang mga co-star niya sa show.
Lalo na sina Lovi Poe at Benjamin Alves na gumaganap bilang Sensen at Doc Migs
“Unang-una 'yung bonding namin talagang mafi-feel mo na magkakapatid--family talagang tratuhan doon.
“And kay Doc Migs, kay Benjamin Alves gusto ko magpasalamat idol marami kaming natutunan sa'yo and 'yung mga bonding natin for sure hindi magtatapos, dahil alam ko nagu-usap-usap pa rin kami.”
“And kay Ate Lovi, sobrang bait, lahat ng invites sumasama siya kahit minsan kailangan niya mag-work out talagang naga-adjust sa time and sa lahat naman ng cast iba sila!
“Iba 'yung saya na hindi mo mafi-feel na malayo ka sa family mo. Gusto ko lang magpasalamat sa kanila, dahil ang daming life experiences na natutunan ko sa kanila.
Get to know more fun facts about Kapuso hotlete John Vic De Guzman in the gallery below.