
Nagkita na ang stars ng bagong musical romcom series ng Kapuso Network na ‘My Guitar Princess’ this Wednesday afternoon, March 7.
Sa Instagram post, present sa meet and greet nang cast sina Julie Anne San Jose, Kiko Estrada at Gil Cuerva bilang mga lead stars ng soap.
Bibida din ang singer/actress na si Sheryl Cruz, Isabelle de Leon, Jazz Ocampo, One Up heartthrob Ralf King at comedienne na si Maey Bautista.
Sa exlcusive interview ni Julie Anne sa GMANetwork.com, nagkuwento ang dalaga na excited siya na may mga bago siyang leading men na sina Kiko at Gil.
Maganda daw ang experience na marami siyang nakakatrabaho at hindi natatali sa iisang partner.
Paliwanag ng Kapuso singer, “It’s nice noh that I get to work with a lot of people. Kumbaga, hindi ko rin nalilimit ‘yung sarili ko kasi I get to work with everyone talaga. And it’s really nice lang kasi iba-iba ‘yung environment,”
Abangan ang musika at kilig na handog ng ‘My Guitar Princess’ soon on GMA-7!