
Mainit ang naging pagtanggap ng netizens sa unang episode ng musical variety show na Studio 7.
Umabot pa ito sa top spot ng trending topics sa Twitter Philippines.
Masaya daw ang isa sa mga mainstay nito na si Julie Anne San Jose dahil sa positive feedback na natanggap ng kanilang show.
"I'm very happy kasi nag top trend kami and maraming nagandahan doon sa show. It's been a while din since the last time na nagkarono tayo ng musical variety show kaya masaya kami na nashow-showcase namin 'yung mga talents namin," kuwento niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Sa tingin din daw niya, isang mabuting bagay na napakaraming mga artists ang napabilang sa show.
"Ako, masaya din ako for our other Kapuso artists din na nabibigyan ng spotlight talaga. Everyone is welcome naman," aniya.
Dahil bago pa lang ang show, dapat daw abangan ang mga pagbabago at mga maaari pang idagdag dito.
"Since it's our pilot episode medyo nasa stage pa kami ng nag-aadjust. Marami pang magbabago. Marami pang maidadagdag. 'Tsaka we also listen to our viewers din kung ano ba 'yung mga suggestions nila since bago pa lang naman kami," pahayag niya.
Patuloy na panoorin ang Studio 7, every Sunday pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.