Sa episode ng Encantadia kagabi, November 30, nawala na ang sumpa kay Lira na ginagampanan ni Mikee Quintos dahil sa tulong na ibinigay ni Mira na binibigyang buhay naman ni Kate Valdez.
WATCH: What you've missed from 'Encantadia's episode on November 30
Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Kate na nagkatotoo raw ang kanyang tweet sa kanyang co-star sa iconic telefantasya noon. Ito ang eksenang hindi makilala sa buong Encantadia si Lira dahil sa isang sumpa.
Lira @mikeequintos !! ???? sana nanjan ako para sayo .. ???? #EncantadiaAkala
— Kate Valdez (@ValdezKate_) November 24, 2016
"Lira @mikeequintos! Sana [nariyan] ako para sa 'yo," ani Kate sa kanyang Twitter post.
Ilang araw lamang daw matapos ang kanyang tweet, nagulat na lamang daw si Kate nang mabasa ang kanyang script. Ang kanyang karakter na si Mira pala ang talagang tutulong kay Lira.
"Hindi ko po talaga alam. Nung nabasa ko lang 'yung script, doon ko lang nalaman," saad niya.
Sa huli, sinabi ni Kate na masaya raw siya dahil malaki ang naging parte ni Mira dahil si Lira ang sagot upang maibalik ang kapayapaan sa Encantadia.
Subaybayan ang role ni Kate Valdez na si Mira gabi-gabi sa Encantadia.
MORE ON 'ENCANTADIA':
WATCH: Glaiza de Castro's 'Enchanta' tutorial
WATCH: Kylie Padilla's 'Enchanta' tutorial
IN PHOTOS: 'Encantadia' 2005 x 2016 GMA telefantasya stars