
Nagkuwento si Katrina Halili tungkol sa pagiging mommy niya kay Katie, ang kaniyang five-year-old na anak sa singer na si Kris Lawrence.
“Yung baby ko, five years old na. Sobrang bilis, nagsu-school na siya. Nauutusan na at malambing. Nakakatulong na siya sa bahay,” bahagi ni Katrina sa exclusive interview ng GMANetwork.com.
Megan Young at Katrina Halili, nagkasubukan agad sa taping ng 'The Stepdaughters'
Papayagan ba niyang sumabak sa showbiz ang anak kung sakaling magpakita ito ng pagkahilig sa pag-aartista? “Ay, hindi. Ako na lang [ang] magpupuyat for her. Mag-aral na lang siya, ako na lang [ang] magwo-work kahit matanda na ako,” sagot niya.
Bukod sa pagiging masipag na bata, talented din daw si Katie. “Magaling mag-drawing at mag-paint. Artistic siya, mahilig siya sa mga musical instruments," saad ni Katrina.
Dagdag pa niya, “Dati may nagtanong sa kaniya [tungkol sa] musical instrument, sabi niya maracas at trumpet. ‘Di ba ‘pag normally ang mga usual na favorite musical instruments, guitar o piano? Naloka ako sa kanya. May mga paganun siyang effect.”
Kung tatanungin kung kanino nagmana sa pagiging artistic ang anak, aminado si Katrina na galing ito sa kanyang singer na ama. “Sa tatay tsaka sa akin din naman. 'Yung charm sa pagkanta, yung taas ng boses ibibigay ko na siguro sa kaniya (Kris) kasi 'di ganun kataas 'yung boses ko ‘e,” paliwanag niya.
Iniiwasan din ni Katrina na maging spoiled ang anak lalo na't malapit na ang Pasko. “Hindi ko siya masyado ini-expose sa mga wish-wish na ‘yan. Basta mahilig lang siya sa art. Gusto niya pumuntang Disneyland, sabi ko next year,” anang aktres.