
Simula noong gumanap si Ken Chan bilang transgender sa drama series na Destiny Rose ay naging tampulan na siya ng mga negatibong komento tungkol sa kanyang kasarian.
Imbes na patulan ng aktor ang mga gay comments sa kanya, ikinatuwa pa niya ito dahil ibig sabihin lang ay tumatak sa publiko ang kanyang role.
"'Yung mga gay tweets about sa akin, hindi siya negative sa akin. Nami-miss lang nila si Destiny Rose and ganun din naman ako, miss ko na rin and happy ako sa comments ng tao. Wala namang negative na dating," paliwanag niya sa isang eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com sa Kapuso Fans Day kahapon, October 28.
IN PHOTOS: Kapuso stars and fans celebrate #SPSKapusoFansDay
Gayunpaman, mas binibigyang pansin ni Ken ang success ng programa dahil patuloy pa rin itong napapanood sa bansa at maging sa Thailand.
"Until now si Destiny Rose, namamayagpag dahil napapanood pa rin siya sa bansa sa FOX TV and at the same time, napapanood din siya sa ibang bansa, sa Thailand. I'm so happy that people still recognize and remember Destiny Rose." saad ni Ken.
LOOK: Destiny Rose, napapanood ngayon sa Thailand