
Matagal na raw naghahanap ng isang 'very meaty role' si Kapuso hunk Kiko Estrada.

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Matagal na raw naghahanap ng isang 'very meaty role' si Kapuso hunk Kiko Estrada.
Sa wakas ay nakuha na niya ito sa karakter na si Jason sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Sinungaling Mong Puso.
READ: Cast ng GMA remake na 'Sinungaling Mong Puso' kasado na
Ito ang TV adaptation ng pelikulang Sinungaling Mong Puso na pinagbidahan nina Vilma Santos, Aga Muhlach, Gabby Concepcion, Aiko Melendez at Alice Dixson noong 1992.
"I got it!" excited na panimula ni Kiko sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Ayon sa aktor, isa siya sa ilang mga aktor na sumubok para sa role. Sa auditions, pinaarte siya sa isang eksena kasama ang lead actress na si Rhian Ramos.
"It's nerve-wracking because she's so beautiful. She's too beautiful for life," kuwento niya tungkol sa prosesong pinagdaanan niya para makamit ang role.
Bahagyang sexy ang tema ng drama kaya puspusan naman ang paghahanda ni Kiko para sa kanyang pangangatawan.
"I'm working out every day now, eating healthy. But it's for me too so I like it. I'm happy," bahagi niya.
Bukod dito, inilalagay din niya ang kanyang pag-iisip sa tamang kundisyon para gampanan ang karakter.
"I watched the movie but I don't think we're gonna necessarily follow that. I watched and got as much material as possible and I understand the character," paliwanag ni Kiko.
"We went through workshops, charatcter familiarity workshops and it was lovely. It got me closer to the role," dagdag pa nito.
LOOK: Unang pasilip sa cast ng GMA adaptation ng 'Sinungaling Mong Puso'
Umaasa naman si Kiko na magugustuhan ng mga manonood ang kanilang bersiyon ng kuwento.
"It's a beautiful story. I'm honored to be with these people like Direk Ricky Davao, Ms. Glydel Mercado, with my mom, Cheska Diaz, Rafael Rosell, Michael de Mesa and of course, the beautiful Rhian Ramos," pagtatapos nito.
MORE ON KIKO ESTRADA:
Kiko Estrada, gustong gumanap sa indie film
Kiko Estrada celebrates 20th birthday with orphaned children