
Sweet on and off-cam ang tandem nina Nova Villa at Jessa Zaragoza na gumaganap bilang mag-nanay sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento bilang sina Mimi at Deedee Kho.
Makikita sa Instagram account ni Jessa kung gaano na sila naging close at gaano katibay ang samahan nila ng veteran star, dahil na rin siguro palagi silang magka-eksena sa award-winning Kapuso sitcom.
Sa exclusive interview ng Phenomenal Diva sa GMANetwork.com, nagkuwento ito kung paano ang samahan nila ni Tita Nova na tinuturing niya na pangalawang ina.
Ayon kay Jessa, “Sobra! Parang nanay ko na siya. Like minsan mago-grocery siya kasama na ako dun.. Tapos alam niya hindi ako nagluluto, nagluluto siya for me, for Dingdong [Avanzado], for Jayda ‘yung daugther namin. So, ganun ang relationship namin,”
Nagpaabot din ng pasasalamat ang magaling na OPM singer sa walang-sawang suporta ng mga Kapuso sa Pepito Manaloto na namamayagpag na for eight years.
“Naku sobrang maraming-maraming salamat po talaga sa inyong lahat because ang tagumpay ng Pepito ay dahil sa inyong lahat.”
More on PEPITO MANALOTO:
'EXCLUSIVE: Ano ang masasabi ni Jessa Zaragoza sa rival program ng 'Pepito Manaloto'?
'EXCLUSIVE: Comedienne Mosang tinanggihan ang offer ng isang TV network para sa 'Pepito Manaloto'