What's Hot

EXCLUSIVE: Kim Domingo in a red hot swimsuit for "Juan Happy Love Story"

By Marah Ruiz
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 25, 2020 11:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH gets P529.6B budget for 2026
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News



Can you say sizzling hot?


Sumabak na sa taping ng kanyang upcoming GMA Telebabad serye na Juan Happy Love Story si Kapuso sexy actress Kim Domingo.

Eksklusibong naimbitahan ang GMANetwork.com sa taping ni Kim sa isang sports club sa Quezon City.

READ: Kim, hindi takot sa kontrabida roles

"Dito na kami magmi-meet. Magiging magka-business partner na kami. Ang tine-tape namin ngayon 'yung pagkikita ni Juan at ni Agatha," paliwanag ni Kim sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Mala-Snow White ang beauty ni Kim sa suot niyang blood red swimsuit para sa eksena.

"'Yung unang pagkikita namin is aahon ako sa pool, ganoon 'yung eksesa. Aahon ako, magugulat sila doon, and then bam! Hindi nila expected na ako 'yung magiging ka-deal nila, ka-meeting nila," bahagi niya.

Nakaka-dalawang taping days pa lang si Kim para sa serye, pero isa raw ito sa pinaka-nakakaaliw na eksena sa lahat ng ginawa niya. Dahil raw ito sa mga katrabaho niya, lalo na si Dennis Trillo.

"'Yung reaction niya kasi lagi parang nag-iimagine siya. Kumbaga ako, noong una kasi wala pa kong gusto sa kanya. As in business lang talaga ko. Pero siya, iba 'yung nasa isip niya. Nag-i-imagine siya. Kung ano ano 'yung nakikita niya. Ini-imagine niya na naka sexy ano ako, mga ganun," natatawang kuwento ni Kim.

"Natatawa lang ako sa reaksyon ng mukha ni Dennis," dagdad pa nito.

Bukod kay Dennis at Kim, kasama rin sa serye si Heart Evangelista, Joross Gamboa, Rob Moya, Erika Padilla, Dominic Roco at marami pang iba!

Abangan ang Juan Happy Love Story, May 16 na sa GMA Telebabad.

MORE ON KIM DOMINGO:

READ: Kim, masaya sa pagbuhos ng projects

READ: Kim, nagkwento tungkol sa amang hindi niya nakilala

READ: Mensahe ni Kim tungkol sa kanyan funny but naughty skits