What's on TV

EXCLUSIVE: Kiray Celis, sulit ang pagganap bilang Fairy Gosh Monkey sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

By Aedrianne Acar
Published February 26, 2019 4:21 PM PHT
Updated February 26, 2019 4:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News



Sa exclusive interview ni Kiray Celissa para sa GMANetwork.com ngayong araw, February 26, sinabi nito na natuwa siya dahil na-extend ang kuwento nila sa weekly-magical anthology. Read more:

Nasuklian ang lahat ng hirap at pagod ng team ng Daig Kayo Ng Lola Ko, dahil sa sunod-sunod na linggo na mataas ang kanilang ratings.

Kiray Celis
Kiray Celis

Certified winner ang huling kuwento ni Lola Goreng na Amazing adventure of Super Ging and Harvey kung saan bida sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

NEW YEAR. NEW CHAPTER. NEW WORKPLACE. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa akin, GMA ARTIST CENTER. Excited po ako sa aking bagong kabanata sa aking buhay. Salamat sa chance na binigay niyo sa akin Para mas lalo ko maipakita sa mga manunuod kung paano ko pa sila mapapasaya at mapapangiti. Kung ano pa yung di nila nakikita at kung ano pa yung kaya kong ipakita. Hangad ko lang ay trabaho at makapag pasaya ng mga tao. Kaya abangan niyo po ako sa mga guestings ko sa DAIG at ang aming upcoming show nila ms jennylyn mercado and Sir gabby concepcion at.. sa sabado po, abangan niyo po ako sa MAYNILA. 9:45am. At DEAR UGE 2:30. ngayong linggo. ❤️

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on


EXCLUSIVE: Bianca Umali, walang arte kahit matamaan sa fight scenes sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

Sa exclusive interview ni Kiray Celissa para sa GMANetwork.com ngayong araw, February 26, sinabi nito na natuwa siya dahil na-extend ang kuwento nila sa weekly-magical anthology.

“Nagulat ako kasi extend kami ng extend na ngayon lang ako nakapunta sa isang show na pwede pala i-extend ng i-extend.”

Hindi din daw siya nahirapan masyado sa costume at makeup niya bilang si Fairy Gosh Monkey, dahil masaya sa set at masarap katrabaho si Bianca Umali.

Ani Kiray, “Very happy kasi ang bilis ko lang nagsho-shoot doon. And I'm happy to be working with Bianx (Bianca Umali), she's very nice. Kasundo ko siya, happy 'yung set.”

Gusto din daw talaga nilang lahat na magtuloy-tuloy ang kuwento ni Super Ging, kaso magsisimula na mag-shoot si Bianca Umali para sa Kapuso series niya na Sahaya.

"Kung hindi lang may serye si Bianx tuloy pa rin talaga, kaso hindi na kaya ng sked niya.”