What's Hot

EXCLUSIVE: Klea Pineda, binigyan ng payo ng Beauty Queen Maker na si Jonas Gaffud

By Felix Ilaya
Published September 28, 2018 5:30 PM PHT
Updated September 28, 2018 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Artemis astronauts to study the Moon's surface using mainly their eyes
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Sasabak na ba sa beauty pageants si Klea Pineda? Ano kaya ang payo sa kanya ng Beauty Queen Maker na si Jonas Gaffud? Alamin.

Nasa cloud nine pa rin si Klea Pineda nang makilala niya ang Beauty Queen Maker na si Jonas Gaffud.

Sa eksklusibong panayam sa Ika-5 Utos star, ibinahagi ni Klea ang mga naganap sa gabing nagpunta siya sa isang drag queen show kung saan nakilala niya si Jonas.

Aniya, "That night sa O Bar, I was with my cousins and titas. Hindi ko naman alam na nandoon siya, actually tapos na 'yung show noon ng O Bar, nag-stay na lang kami."

I'll just leave this one here🙏🏼👑 #unexpected #beyondgrateful ps: He taught me how to walk like a Queen last night!🙈

A post shared by Klea Pineda (@kleapineda) on


"Paglingon ko sa likod ko, nakita ko si Sir Jonas, nanigas ako, sabi ko 'Tita, nandiyan si Jonas!' Sabi niya, 'Mag-ayos ka, mag-ayos ka!' Inayusan ako ng tita ko tapos tumayo ako ng maayos.

"May nakakita sa 'kin na kasama niya sa table, nagkaroon bigla ng aisle sa gitna ng table namin at table nila. Nag-catwalk 'yung friend nila papunta sa 'min nang pabalik-balik, hinahamon ako na rumampa.

"Pinatulan ko, go naman ako para mapansin niya hanggang sa umakyat kami ng friend niya sa stage."

Nang magkausap daw sila ni Jonas, binigyan daw siya ng Beauty Queen Maker ng mahalagang payo.

"Nakausap ko siya, actually kilala pala niya ako! Sobrang happy ako na naiiyak, to think na 5 AM or 6 AM na 'yon.

"Kinakausap niya ako and sinasabi niya na 'Huwag mong madaliin, huwag ka mag-rush.'

"Akala niya kasi hindi ako interested sa beauty pageants pero nakikita naman daw niya sa social media accounts ko na interested ako.

"In-invite niya ako at binigyan niya ako ng calling card.

"Masaya, super happy 'yung morning na 'yon."

Ngayong inanyayahan na si Klea na mag-train under Jonas Gaffud, malapit na rin kaya siyang sumabak sa mga beauty pageants?

"Since sabi naman niya sa 'kin na huwag akong magmadali, since sa kaniya na nanggaling 'yon, hindi ko naman talaga minamadali rin.

"Kahit nakaka-pressure 'yung sinasabi ng mga tao na 'Sumali ka na kahit bata ka pa.'

"Ayoko pa talaga, gusto ko sa 'kin manggaling na 'Kaya ko na.' Ako na ang magde-decide kung kailan ako sasali."