What's on TV

EXCLUSIVE: Kris Bernal, naging leading man na lahat ng aktor sa GMA?

By Bianca Geli
Published October 5, 2018 2:43 PM PHT
Updated October 9, 2018 10:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Excited na raw si Kris Bernal na makatrabaho ang nagbabalik Kapuso na si Rayver Cruz, ang kanyang bagong leading man.

Excited na raw si Kris Bernal na makatrabaho ang nagbabalik Kapuso na si Rayver Cruz. Makakatambal ni Kris si Rayver sa upcoming Kapuso teleserye na Asawa Ko, Karibal Ko.

Kuwento ni Kris, “Excited ako kasi bago sa akin ito. Feeling ko naikot ko na lahat ng leading men sa GMA so at least nabigyan ako ng pagkakataon na maka-partner ko [ang] isang bago.”

Masaya rin daw siya na pumayag si Rayver na siya ang maging leading actress.

Aniya, “Si Rayver, very thankful ako kasi tinanggap niya 'yung project. Kapapasok niya lang dito sa GMA but then tinanggap niya na ako 'yung makasama niya kasi alam kong maraming ibang mas deserve na mas maka-partner niya.”

Pinuri rin niya ang co-star sa pagiging professional nito. “Makikita mo si Rayver [na] seryoso sa craft niya and at the same time, sobrang kulit off-cam. Madali siyang katrabaho.”

Mapapanood sina Kris at Rayver sa GMA Afternoon Prime soap na Asawa Ko, Karibal Ko simula ngayong Oktubre.

Related content:

Rayver Cruz, bakit nahihiya kay Kris Bernal at Thea Tolentino?

https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/44492/rayver-cruz-bakit-nahihiya-kay-kris-bernal-at-thea-tolentino/story

EXCLUSIVE: Kris Bernal, aminadong kabado sa 'Asawa Ko, Karibal Ko'

https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/44475/exclusive-kris-bernal-aminadong-kabado-sa-asawa-ko-karibal-ko/story