Celebrity Life

EXCLUSIVE: Kylie Padilla, binalikan kung paano sila nagkakilala ni Aljur Abrenica

By Cherry Sun
Published December 15, 2018 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



“Naglalakad kami sa GMA, GMA side tapos 'yung billboard, may malaking billboard doon. 'Yung Machete, tapos sabi ko, 'Magiging akin ka...'" Alamin ang kabuuan ng istorya ng pagsisimula nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Kinikilig ang bagong kasal na si Kylie Padilla nang alalahanin niya kung paano sila nagkakilala at nagsimula ng kanyang mister na ngayong si Aljur Abrenica.

Kylie Padilla
Kylie Padilla

EXCLUSIVE: Kylie Padilla's first interview as Mrs. Aljur Abrenica

Sambit ni Kylie sa exclusive interview ng GMANetwork.com, kahit hindi pa siya nakapasok sa mundo ng showbiz ay napansin na niya ang aktor.

“Naglalakad kami sa GMA, GMA side tapos 'yung billboard, may malaking billboard doon. 'Yung Machete, tapos sabi ko, 'Magiging akin ka.' Di pa kami magkakilala so ayun 'di ba, ginawa ko nga. Nagkatotoo,” natatawa niyang pagkuwento.

Kinumpirma rin niyang naging tulay si Rita Daniela para makilala niya si Aljur.

Ani Kylie, “Wushu workshop 'yun tapos nandun si Rita. Late si AJ tapos napansin ko rin siya agad eh. Sabi ko, 'Pogi, cute.' Actually hindi ko nga alam na Aljur Abrenica siya eh.”

“Hindi ko alam kung nag-shake hands kami or nag-hi lang ako. Mahiyain ako nun eh,” patuloy niyang pag-alala nang ipakilala siya ni Rita sa aktor.

Isa sa mga una nilang napagkuwentuhan ay ang bakasyon ni Kylie sa Australia.

Bahagi ng aktres, “Sabi niya, 'Uwi[an] mo ako ng crocodile ah?' Sabi ko, 'Koala na lang kasi mas maliit 'yun, madadala ko.' Doon nag-start. And ang nakakatawa pa niyan the next year, after, nag-search ako kasi hindi ko na siya makalimutan eh, crush ko na siya. 'Aljur Abrenica' on the Internet."

“May interview siya doon, tapos may isang question, sabi doon, 'Sino ang gusto mong makatrabaho?' Hindi pa ako nag-a-artista nito. Sabi niya, 'Cristine Reyes, Marian Rivera, and Kylie Padilla.' Wow. Talon ako nang talon nun. Sabi ko, 'Oh my God, crush din ako ng crush ko,” patuloy niya.

EXCLUSIVE: The official wedding album of Kylie Padilla and Aljur Abrenica