What's on TV

EXCLUSIVE: Kyline Alcantara at Pauline Mendoza, maraming natututunan kay "Black Lady"

By Jansen Ramos
Published May 31, 2018 5:19 PM PHT
Updated May 31, 2018 5:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

6-anyos na lalaki, sugatan ang kamay nang subukang paputukin ang isang boga
Camille Prats and family travel to California
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit

Article Inside Page


Showbiz News



Puring-puri ng dalawang batang aktres si Roence Santos a.k.a. Black Lady ng 'Kambal, Karibal.' Sino nga ba si Roence?  

 

 

Bukod kay Raymond, kinaiisan din ng mga manonood ng hit telseryeng Kambal, Karibal si Black Lady. Siya ang mapanuksong espiritu na nagtutulak kina Crisel at Cheska na gumawa ng masama. Ginagampanan ito ng actress/acting coach na si Roence Santos.

Eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com ang dalawa sa madalas niyang ka-eksena sa serye na sina Kyline Alcantara at Pauline Mendoza. Ani Pauline na gumaganap bilang Crisel, isa si Roence sa mga underrated actresses sa bansa. Nakakatakot daw ito sa mga eksena pero mabait naman sa personal.

"Sobrang galing po n'ya. She's also an acting coach po kasi so 'pag nagkaka-eksena kami, tinutulungan niya rin ako. Ang ganda ng [kinakalabasan] ng eksena naming dalawa. Sa scenes, scary talaga siya, nadadala talaga ako pero 'pag off-cam, mabait siya." Saad niya.

Tulad ni Pauline, na-aappreciate din ni Kyline - gumaganap bilang Cheska - ang willingness ng acting coach na mag-mentor.

"Kapag wala po si Coach Jay [acting coach ng Kambal, Karibal], siya po 'yung parang ginagawa kong [mentor]. Every time po na ka-eksena ko siya, parang nararamdaman ko talaga 'yung eksena. The way she delivers her lines parang laging merong pitik. Sobrang saya ko po dahil nakatrabaho ko si Coach Roence and iba talaga s'ya sa eksena. Ibang-iba 'yung karakter niya sa totoong siya.  Mararamdaman mo 'yung dedication niya sa trabaho niya." Kuwento ni Kyline.

Naging acting coach din si Roence sa ilang programa ng GMA gaya ng Magpakailanman at Machete. Nitong Abril lamang ay napanood siya sa weekly magical anthology na Daig Kayo ng Lola Ko bilang guest actress.