
Hindi raw makapaniwala si Kyline Alcantara nang maparangalan siya bilang Best Supporting Actress sa 32nd PMPC Star Awards for TV.
LOOK: Kapuso stars, wagi sa 32nd PMPC Star Awards for TV
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, inamin niyang kahit nais niyang manalo ng ganitong pagkilala ay hindi niya inakalang makukuha niya ito agad.
Sabi ng dating Kambal Karibal actress, “Last year po, never in my wildest dreams talaga na naisip na magkakaroon ako ng award. Of course I'm just doing my job.
“Kumbaga, award man or hindi, like go lang, just do your job, just do what you want, just do your passion, just do your craft.
“Ngayon po na na-appreciate niyo or nabigyan ng parangal 'yung pag-arte ko, it's just really a big thing for me kasi matagal ko rin po itong inantay. Yes, Best Supporting Actress.”
Inaalay raw ni Kyline ang kanyang tagumpay sa lahat ng kanyang mga tagahanga at mga nakatrabaho.
Sambit niya, “I just want to thank everyone na sumuporta at sumusuporta pa rin po sa akin. I'm so happy.
“Para ito sa lahat, sa cast, sa mga director namin, sa PM namin, sa EP namin, sa utilities, sa production, sa portalet guys.
“Para po sa amin 'tong lahat dahil hindi naman mabubuo 'yung character ni Cheska kung hindi dahil sa kanila.”