
Maraming pinahanga si Kyline Alcantara sa kanyang pagganap sa Kambal, Karibal. Very effective at natural ang pagigigng kontrabida nito sa istorya, kaya naman maraming nagtatanong kung sa totoong buhay ba ay ganun din ang aktres,
“Kontrabida ako sa mga taong kontrabida sa akin,” ang diretstong sagot ng aktres.
Ipinaliwanag ni Kyline na iba ito sa pagiging kontrabida niya sa mga soap. “Kontrabida na hindi po ako magis-stoop down sa level nila, I’m not saying na mababa ‘yung level nila pero ‘yun nga po, kailangan na rin po lumaban.”
Kontrabida man sa Kambal, Karibal, palaban at masipag na bata naman in real life si Kyline Alcantara. Kaya naman marami kaagad ang napahanga sa pag ganap niya bilang Cheska at Crisel, na itinuturing niyang biggest break sa showbiz.