
Kilala na ang Kapuso actress na si Lauren Young bilang isang mahusay na kontrabida dahil sa kaniyang roles bilang si Chari sa Legally Blind at Daniella sa Contessa.
Ngayon, kakaibang Lauren naman daw ang matutunghayan natin bilang Dessa sa Hiram Na Anak. Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com sa aktres, binahagi niya ang kuwento ng kaniyang karakter.
Ani Lauren, "I play Dessa and she's the girlfriend of Benjo which is played by Paolo Contis. She's just this girl na very independent but selfish. 'Yung priority niya in life is 'yung self muna niya."
Aminado rin ang aktres na sobrang challenging daw para sa kaniya ang role ni Dessa.
"Ever since I started in GMA kasi, napansin ko medyo na-typecast ako sa ingleserang mayaman na sosyal and all of that. But this time around, she's not rich, 'di siya nag-e-English, so medyo doon ako nahirapan. For the longest time, puro English lang 'yung salita ko on set so now, it's quite a challenge for me to bring out 'yung pagka-Pilipino ko ulit kasi even at home, we speak in English kasi. So I'm having a hard time with my Tagalog actually kasi hindi talaga ako sobrang galing. That's the different part of it," wika niya.
Dagdag pa ni Lauren na minsan daw ay nag-re-retake sila ng mga eksena dahil minsan ay sumisilip ang kaniyang "twang" sa mga linya niya. Gayunpaman, sinisikap niyang mapagtagumpayan ang challenge na ito.
Aniya, "I try to speak Tagalog which sobrang nag-fe-fail ako. Sa bahay, sinusubukan ko talaga mag-Tagalog, sinusubukan ko 'wag mag-English but wala 'eh. English is my first language. I just really study my lines lang. Before, I had the liberty na since lahat, English, madali lang pumasok sa isip ko but now, kailangan talaga tutok ako sa mga binabasa at sa mga mine-memorize ko. It's actually great, because of that, mas naiintindihan ko, mas nabibigyan ko siya ng direction na kailangan niyang puntahan. I go over it again and again so that I'm able to process and analyze it more."
Tungyahan ang ibang-klaseng Lauren Young bilang Dessa sa Hiram Na Anak, ngayong February 25 na bago mag-Eat Bulaga.