
Masidhi ang hangarin ng StarStruck hopeful na si Lexi Gonzales na maging Ultimate Female Survivor kaya pursigido siyang paghusayan pa ang kanyang performance sa mga susunod na challenge.
Determinado raw ang mestiza beauty para sa kanyang ina at nakababatang kapatid na may autisim.
Sa exclusive interview ni Lexi with GMANetwork.com, nabanggit niya na ginagawa umano niyang 'motivation' ang mahal niya sa buhay para magtagumpay sa StarStruck.
Wika niya, “I have to do this for them, I have to be there for them. I have to be there to support kumbaga I have there to provide.
“Kasi, hindi naman always kaya po ng nanay ko, kaya sila motivation ko to keep going.”
Binalikan din ng promising actress ang moment nang tinawag ng StarStruck council ang pangalan niya para mapabilang sa Final 14.
Sinabi ni Lexi na 'unbelievable' na magpapatuloy siya sa next stage of the competition.
Aniya, “Tsaka sobrang unbelievable na I got in. Sobrang flattering and sobrang thankful 'yung naramdaman ko sa puso ko overflowing po.”
Sundan ang StarStruck journey ni Lexi tuwing Sabado, pagkatapot ng Saturday night after Daddy's Gurl; at Linggo, bago ang Kapuso Mo Jessica Soho.