
Para kay Lexi Gonzales, importanteng makatulong lalo na ngayong may COVID-19 crisis.
Si Lexi at iba pang Kapuso Artist Center personalities ay nagtulungan para sa Project Rice Up: Butil Para Sa Buhay.
Sa proyektong ito nakapaghatid sila ng bigas sa GMA Kapuso Foundation. Ayon kay Lexi, nag-pack rin sila ng iba't ibang pagkain.
Ilang Kapuso stars, nakisama sa Project Rice Up ng GMA Artist Center at GMA Kapuso Foundation
"We packed po a lot of bags na may bigas po and may mga noodles, de lata, snacks, coffee, and stuff na puwede pong ipadala sa different areas in the Philippines na nangangailangan po ng tulong."
Nakakapagod man ay puno ng saya ang StarStruck season 7 First Princess dahil nakatulong siya sa mga kababayan natin.
"Masaya rin po kasi ang dami rin pong nagdo-donate.
"Pati Kapuso stars, nagdodonate rin po for the project, its good po na alam namin na maraming tulong na maaabot 'yun."
Ayon pa kay Lexi, importanteng makapagbigay na tulong lalo na sa mga nawalan ng kabuhayan dahil sa krisis na ito.
"For me po, sobrang laking bagay kung makakatulong po tayong lahat.
"Kasi, it's what other people need, e, lalo na po 'yung mga hindi nakakapag-work and yung mga walang capacity to buy food, and mga walang pambili to buy food."
Sa huli, sabi ni Lexi, "It's really heartwarming na maraming nakakatulong and meron tayong naiaabot na tulong sa kanila."
Give Me 5: Kim de Leon and Lexi Gonzales's tips for work safety
Kim de Leon at Lexi Gonzales, bagong ambassadors ng Occupation Safety and Health Center