What's Hot

EXCLUSIVE: Lovely Abella at Benj Manalo, bakit after two years pa magpapakasal?

By Aedrianne Acar
Published June 18, 2019 11:16 AM PHT
Updated June 18, 2019 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Remains of ex-DPWH Sec. Cabral brought to Manila
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News



Ano naman kaya ang naging reaksyon ni Daddy Jose Manalo sa desisyon nilang magpakasal?

Hindi maitago ang ngiti ni Bubble Gang comedienne Lovely Abella nang eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com, ilang araw matapos ang big proposal ng kanyang boyfriend na si Benj Manalo.

Lovely Abella and Benj Manalo
Lovely Abella and Benj Manalo

Sa one-on-one interview namin kay Lovely sa taping ng Kapuso gag show nitong Lunes ng gabi, ini-reveal ng dancer-turned-actress na napagdesisyunan nila ni Benj na magpakasal after two years.

Si Benj Manalo ay anak ng Eat Bulaga host na si Jose Manalo.

Kuwento ni Lovely, “Nag-usap kami kanina kasi after ng proposal hindi kami nakapag-usap nag-impake ako. Ang napag-usapan namin after two years kasi medyo busy pareho.”

“Maganda 'yung nagpe-prepare kayo na wala kayong iniisip na iba kundi 'yun lang. Siyempre gusto rin namin 'yung bago mag-wedding relax na.”

Hindi ko alam, hindi ko alam ang ganitong pakiramdam, yung totoong wala akong alam, as in kahit konting kaba, wala talaga.. Lagi niya kasing ginagawa sakin ang magpasalamat tuwing may mga ganitong pagkakataon.. Ang galing mo babe @benj 👏👏👏 naplano mo lahat ng wala akong nahahalata, salamat sa pagmamahal, salamat sa lahat.. alam kung di ako perfect, pero trying my best na maparamdam sayo ang pgmamahal na deserve m0!! Love you so much!! Finally 💍

Isang post na ibinahagi ni Lovely Abella (@lovelyabella_) noong

Malaking sorpresa rin para kay Lovely ang naging proposal ng kanyang boyfriend.

Aniya, “Hindi pa kasi talaga ako makapaniwala kasi pinag-uusapan namin yan, tapos nagdesisyon kami na hindi pa ngayon. Kaya hindi ko alam na mayrun na pala siyang iniisip na ganun.”

“So all throughout gumagawa siya ng music video niya naniniwala ako na nagpapasalamat siya sa akin, kasi everytime na maraming tao at may time siya magsalita palagi siyang nagti-thank you.

“Noong ang haba na sabi ko 'bakit sobrang haba?”

Dagdag ni Lovely, hindi din daw niya nakikita noon na may bearing pa kung magkaroon ng formal proposal si Benj.

“Wala pa rin akong idea kasi feeling ko nandun na kami sa stage na siyempre hindi na kami bagets na hindi na kailangan ng proposal akala ko ganun.”

“Na sasabihan niya oh babe anytime magpo-propose ako kala ko ganun! Eh yun bigla siyang nagpropose kaya nagulat talaga ako”

Ano naman ang naging reaksyon ni Daddy Jose Manalo sa desisyon nilang magpakasal?

Wika niya, “Ah nagpaalam siya [Benj] kasi ininvite niya si Daddy [Jose Manlo] that time pero parang busy. So yun nag-congrats lang siya sa amin.”