What's Hot

EXCLUSIVE: Lovely Abella, nahanap ang suwerte sa Kapuso Network

By Aedrianne Acar
Published October 11, 2017 4:42 PM PHT
Updated October 11, 2017 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA scores today: Spurs vs Warriors, Celtics vs Heat, and other games
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith

Article Inside Page


Showbiz News



Mula sa pagiging dancer sa Wowowin kasama si Willie, nakikilala na ngayon si Lovely sa larang ng comedy. 

Isa sa pinaka-busy sa comedienne ngayon sa bakuran ng Kapuso Network ang dating dancer ni Willie Revillame sa Wowowin na si Lovely Abella.

WATCH: Lovely Abella, ikinuwento kung paano siya nagsimula bilang isang dakilang extra

Katatapos pa lamang ng kaniyang afternoon soap na D’ Originals kung saan nakasama niya ang multi-awarded actress na si Jaclyn Jose.

Regular din si Lovely sa mga high-rating shows na Bubble Gang at Sunday PinaSaya.

Isa din sa mga pinakagusto ng mga Kapuso viewers kay Lovely Abella ang pagiging game nito na gumanap ng mga role kung saan ginagawa siya katatawa o panget.

Sa one-on-on interview ng Kapuso star sa GMANetwork.com, proud ito na sinabi na hindi siya natatakot gampanan ang mga over-the-top roles sa harap ng camera dahil dito daw siya kumportable.

Paliwanag niya, “Kasi nung pumasok din naman talaga ako sa showbiz hindi dahil gusto ko ‘yung maganda lang ako, ‘yung pa-cute lang ako. Gusto ko ‘yung hindi ko alam na sinasabi nila na ‘hindi mo ba alam na maganda ka?’”

“Sabi ko, well hindi talaga [laughs]. Siguro kasi mas kumportable ako sa ganun, kasi mas nailalabas ko ‘yung totoong mukha ko. 'Di ba minsan parang umaarte ka, pero parang wacky ‘yung mukha mo ganun. So, dedma ako doon. Sobrang mas okay ako 'pag [nakakatawa] ‘yung role ko.”

Sobra din ang pasasalamat ni Lovely Abella na nahanap niya ang big break niya sa Kapuso Network.

Kahit na sunod-sunod ang mga projects niya, hindi pa rin daw siya makapaniwala na nagbunga na ang lahat ng kaniyang hard work.

Ani Lovely, “As in po until now naiisip ko or pag kaya nagdi-drive lang ako mag-isa, hindi ko pa rin ineexpect na ganito ‘yung nangyari sa akin. Kasi sa pinagdaanan ko po, step-by-step po talaga.”
“Nag-start po ako as dancer, nag-pursige ako. Nag-audition ako sa lahat ng puwede. And kaya ngayon, tini-treasure ko 'yun. Iniingatan ko na hindi ako male-late, na hindi ako magkakamali. So ngayon, sobrang thankful lang kasi nung pagpasok ko dito, parang wow ganito pala ‘yung feeling na lahat ng hard work mo ay eto na. Kaya sobrang pasalamat talaga.”