Celebrity Life

EXCLUSIVE: Lovely Abella on relationship with Jose Manalo's son: "I think talagang siya na"

By Aedrianne Acar
Published October 17, 2018 12:41 PM PHT
Updated October 17, 2018 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Bukod sa blooming ang career ng dancer-turned-actress na si Lovely Abella sa Kapuso Network ay masaya din ito sa estado ng kaniyang love life.

Bukod sa blooming ang career ng dancer-turned-actress na si Lovely Abella sa Kapuso Network ay masaya din ito sa estado ng kaniyang love life.

Hindi alam ng marami na boyfriend ng Bubble Gang comedienne ang aktor na si Benj Manalo na anak ng Eat Bulaga host na si Jose Manalo.

Sa one-on-one interview ni Lovely with GMANetwork.com nito lamang Lunes, October 15, ikinuwento niya na hindi raw sagabal sa kanila ni Benj na magtulungan kahit nasa ibang network sila pareho.

Aniya, “Nagtutulungan kami, actually, kapag may mga character talagang ganito sinasabi niya ganito plakado, ganito gawin mo. Tinuturan niya ako, 'yung kahit magkaiba kami ng network nagtutulungan pa rin kami,”

Maganda rin daw ang set-up nila na wala sila sa iisang TV channel, dahil nagagawa nilang makapag-focus sa kani-kanilang showbiz career.

Paliwanag ni Lovely, “Okay lang kasi, focus siya sa kaniya, [tapos] naka-focus ako sa akin, may space.”

Find out why comedienne Lovely Abella calls Jose Manalo 'Daddy'

Hi babe, wanna say thank you sa pag alaga mo sakin kanina,kahit puyat ka from taping talagang pinush mong ipagdrive ako..samahan sa pagpapasexy ko,sa pictorial and sa meeting.. Salamat sa lahat ng suporta mo sakin.. At kahit nasa harap lang kita ngayon nagawa mo pang bolahin ako sa ig at fb.. Haha😂😂😂 love you mahal sobra.. #thankyoulord #iknowideservethishappiness #happylang #nakakaganda #blessed

Isang post na ibinahagi ni Lovely Abella (@lovelyabella_) noong

Happy Anniversary to us babe @lovelyabella_ 😘❤️ I wanna thank God for bringing you in my life, 3 years full of love, joy, memories , laughter at kung ano ano pa! Excited ako sa mga susunod na taon natin mahal, this year we stepped another notch higher in our life pero excited ako kasi kasama kita mabububo ung pangarap natin. 😘 Im always here for you babe, support you in everything you want to do in your life and career.. alam mo naman no. Fan mo ako eh 🤗❤️ I love you so much babe!! Happy anniversary 😘😘😘❤️ #3 #BenLy 📸 @christophersyphotographs

Isang post na ibinahagi ni Benj Manalo (@benj) noong

Nito lamang Enero, ipinagdiwang nina Benj at Lovely ang kanilang 3rd anniversary.

Kaya tinanong namin ang sexy comedienne kung napag-uusapan na ba nilang dalawa ang pagpapakasal?

Pabirong sagot ni Lovely, “Wala pang wedding plans kasi wala pang proposal [laughs] Ang hirap nung hindi tayo sure.”

Dagdag niya, “Siguro siya nag-iisip-isip din siya, pero for me sa ngayon naka-focus [ako sa work]. Kasi sabi ko darating yan at the right time, hindi naman ako nagmamadali.”

Pero binigyan diin ni Lovely na nahanap na niya ang forever sa piling ni Benj.

“And alam ko na siya na. Siyempre, tayo choice natin kung sino ang gusto natin makasama. Kung ayaw natin yan puwede, pero kapag choice mo, tatanggapin mo kung anong klaseng tao yan eh and I think talagang siya na. So waiting na lang ako.”