
Feeling blessed and thankful ang Kapuso comedienne na si Maey Bautista dahil bukod sa bagong project niyang Hiram Na Anak, engaged na rin siya sa kaniyang non-showbiz boyfriend of eight years na si Martin Inumerable.
WATCH: Comedienne Maey Bautista gets engaged on Valentine's Day
Sa exclusive interview ng GMANetwork kay Maey sa media conference ng Hiram Na Anak, kinuwento nito na naramdaman niya raw na mag-po-propose na si Martin sa kaniya.
Ani Maey, "To be honest, meron [akong hint] eh kasi antagal na rin namin, mga eight years na kami."
Gayunpaman, hindi raw nagparinig si Maey kay Martin na gusto na niyang magpakasal.
"Lagi niyang in-e-express 'yung pagmamahal niya talaga sa'kin. Nakakatuwa.
"At this point, hindi ako 'yung mag-de-demand o magpaparinig na 'Nako parang gusto ko nang magkapamilya. May nakita akong singsing sa ganitong shop.'
"Wala akong ganoon," wika niya.
Sa kasalukuyan, sobrang masaya raw ang Kapuso comedienne sa takbo ng kaniyang buhay.
Aniya, "Sa totoo lang, siguro dahil kontento ako sa buhay ko ngayon, okay 'yung trabaho ko, mayroon naman akong love life, okay 'yung mga blessings sa'kin ni God.
"So hindi ako naghahanap siguro na kulang ako sa ganito, sa ganoon. Ang galing lang din ng buhay ko ngayon na balanse."
Abangan si Maey Bautista bilang Engke sa Hiram Na Anak, this February 25 na bago mag-Eat Bulaga.