
Nakikidalamhati rin sa pagkamatay ng ama ng award-winning comedian na si Michael V. ang co-star niya sa Pepito Manaloto na si Manilyn Reynes.
Michael V's daughter Brianna Bunagan pens a heartfelt tribute for her Tatay
Gumaganap si Manilyn bilang si Elsa Manaloto na asawa ng milyonaryo na si Pepito na ginagampanan naman ni Michael V.
Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com kay Manilyn kahapon, October 16, nakausap niya na raw ang matalik na kaibigan at nagpaabot ito ng mensahe ng pakikiramay sa kanya.
Wika ni Manilyn, “Nag-text-an kami when it happened. Mayroon kaming personal messages sa kanila siyempre, sa family, kay Ayoi (Carol Bunagan), kay Bitoy sa buong family.
“We prayed of course for strength para sa kanilang lahat na naiwan ni Tatay.
“Ang hirap din actually na maghanap ng words noh kasi kahit ano pa [ang] sabihin mo na gusto mo maibsan ang pain na nararamdaman, pero mahirap eh. So, be strong 'yan!”
Hindi rin daw makakalimutan ng Kapuso actress/singer ang pagkikita nila ni Tatay Cesar Felix Bunagan na likas din ang pagiging komedyante.
“Unang kilala ko sa kanya sa birthday ni Bitoy sa bahay.
“So nung pinakilala nga ni Bitoy at ni Ayoi sa amin 'yung parents niya, nagmano ako tatay ganyan-ganyan.
“Tapos sabi ni Tatay, 'Elsa!' (laughs). So nakakatuwa lang na every time na nakikita niya ako ang tawag niya sa akin Elsa.”