What's on TV

EXCLUSIVE: Manilyn Reynes, paiiralin ang maternal instincts sa 'Madrasta'

By Cherry Sun
Published August 14, 2019 6:17 PM PHT
Updated September 18, 2019 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News



Nais daw ni Manilyn Reynes na maka-establish ng personal relationship sa kanyang mga nakababatang co-stars sa 'Madrasta.'

Isang ina muli ang bibigyang-buhay ni Manilyn Reynes sa kanyang pagganap sa upcoming Kapuso drama na Madrasta. Kung magiging madali raw ang kanyang character ito ay dahil paiiralin lang niya ang kanyang maternal instincts.

Manilyn Reynes
Manilyn Reynes

Si Manilyn ang gaganap bilang ina ni Arra San Agustin sa inaabangang Kapuso drama.

Alam niyang kontrobersyal ang paksa ng kanilang programa dahil hindi madaling tanggapin sa ating lipunan ang pagiging isang madrasta. Kaya naman, hindi raw talaga maiiwasang lumabas ang kanyang malasakit at pag-aalala bilang isang ina.

READ: Arra San Agustin, babaguhin ang imahe ng isang madrasta sa pagbibidahang drama

Ani Manilyn, “Syempre ang gusto ng nanay talagang eh 'yung buhay ng mga anak niya ay maging maayos, na walang gulo. Kapag nandyan ka, you're there, you can always look after them pero kapag nasa real world na, wala ka naman doon lagi, hindi ba. So you can always hope and pray that nothing happens to them, ganun.”

Hindi na bago ang character ni Manilyn sa kanya dahil hands-on mom siya sa tunay na buhay. Ang nais daw niyang paghandaan ay ang pag-establish ng personal relationship sa kanyang mga nakababatang co-stars.

IN PHOTOS: Meet the cast of upcoming drama series Madrasta

Bahagi niya, “Gusto ko rin maging close sa mga batang ito, kina Arra at Kelvin (Miranda) kasi sila ang mga anak ko, so kailangan lumabas 'yun eh. As much as possible I want them to feel na 'O, okay tayo.' So naglalaro-laro kami, nagkukulitan kami parang mag-ina.”

Malapit niyo nang makilala ang Madrasta sa GMA Afternoon Prime!