What's Hot

EXCLUSIVE: Manilyn Reynes, ramdam ang separation anxiety from the cast of 'Meant To Be'

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 27, 2017 4:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing: P10-billion budget hike for House for members’ personnel, office needs
Family seeks justice after child killed in Dagupan explosion
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News



“Hanggang ngayon nagte-text-an pa rin kami, kamustahan. Pa-thank you nang pa-thank you walang katapusan. At siyempre si Billie [Barbie Forteza] si Gamay ko ‘yun na dear sa heart ko talaga.” - Manilyn Reynes

Mainit ang naging suporta ng mga Kapuso televiewers sa katatapos lang na kilig-series na Meant To Be.

??Bukod sa naging trending ang finale ng primetime series sa Twitter ay namayagpag din sa ratings ang pinagbibihahang programa nina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raj.

Sa isang exclusivbong panayam ng GMANetwork.com ngayong Martes ng umaga (June 27) sa isa sa mga cast ng show na si Manilyn Reynes, taos puso ang kanyang naging pasasalamat sa mga manonood.

Wika ni Manilyn, “We are very thankful and grateful po sa lahat ng nanood at sa lahat ng lagi pong nagtu-tweet at lahat na nakasuporta even until now. They are waiting for Book Two na nga raw, sana! But we are thankful and really, really grateful.”

Aminado din ang veteran actress/singer na nakakaramdam siya ng separation anxiety na hindi na niya nakaka-trabaho ang mga young stars ng Meant To Be.

Paliwanag niya, “Mayroon, kasi lahat kasi kami, katulad ng Pepito Manaloto, 'di ba family na kami talaga, so dun sa eight months na magkakasama kami, six months ‘yung airing tapos two di ba 'yan ‘yung nagpe-preprod ganyan, talagang na-build na namin ika nga ‘yung pagiging family, so kahit ‘yung mga bata especially ‘yung apat, ‘yung JEYA.“

“Hanggang ngayon nagte-text-an pa rin kami, kamustahan. Pa-thank you nang pa-thank you walang katapusan. At siyempre si Billie [Barbie Forteza] si Gamay ko ‘yun na dear sa heart ko talaga.”

On Ken Chan

Puring-puri din ng tinaguriang ‘Star of the New Decade’ noong '90s ang isa sa naging leading man ni Barbie na si Ken Chan.

Maaalala natin na naka-trabaho na ni Ms. Manilyn ang guwapong binata sa afternoon soap na Destiny Rose at nakita daw niya ang improvement nito bilang isang aktor.

“I-continue niya lang ‘yung ginagawa niya every role na ginagawa niya ginagalingan niya talaga. At inaayos niya talaga, nakikita naman natin na nag-eeffort na gawin ang kinakailangan para sa certain role.”

Naniniwala din ang Kapuso actress na ito ang time na mas lalo pang magniningning ang bituin ni Ken sa showbiz.

“Kasi ganun eh profession natin ito 'di ba so ibigay natin ‘yung best na magagawa natin sa bawat role na ginagampanan natin. And sabi ko nga sa kaniya, 'anak, I think you are on the right track and you have really arrived,' sabi ko.”