
"I've seen the new kids play their stuff and it shocks me that they're much better than I was in my time." - Marc Abaya
Natapos na ang pagganap ni singer-actor Marc Abaya sa GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat.
Namatay na kasi ang kanyang karakter na si Sito Labsat matapos mabundol ng isang sasakyan.
Masaya naman si Marc sa naging karanasan niya bilang bahagi ng cast ng serye.
"Acting has always been a scary thing, in a good way. [It's] exciting because I know that there's so many better actors. I'm just lucky to land a role like that. And next to Snooky (Serna), are you kidding?" kuwento niya sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com.
"As an actor, I think that I have so much more to learn. As a musician too," dagdag pa niya.
Dahil daw ito sa mga bagong bandang napapanood at minsan ay nakakasabay pa niya sa mga gigs.
"Nowadays, I've seen the new kids play their stuff and it shocks me that they're much better than I was in my time. They pack the rooms more than my band and their fans sing along. It's very humbling, this new generation," aniya.
Minsan nang naibahagi ni Marc na balak nila ng kanyang bandang Kjwan na gumawa ng bagong album next year. Kumukuha daw sila ng inspirasyon sa musikang pinakikinggan nila ngayon tulad ng EDM o electronic dance music.
MORE ON MARC ABAYA:
EXCLUSIVE: Marc Abaya at Kjwan, kukuha ng inspirasyon sa EDM
EXCLUSIVE: Snooky Serna, 'flattered' na maka-pareha si Marc Abaya