Celebrity Life

EXCLUSIVE: Marian Rivera, nagulat nang ma-sold out ang kanyang flower arrangements sa Flora Vida

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 9, 2017 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Malaki ang pasasalamat ng Primetime Queen sa success ng Flora Vida. 

Mahigit isang linggo lamang matapos ang soft opening ng Flora Vida noong April 18, agad na nagpasalamat si Marian Rivera dahil sold out na kaagad ang kanyang flower arrangements.

 

Buenas Tardes... ???? Thank you so much for patronizing Flora Vida by Marian. All our flower arrangements (name of provinces and colors in Spanish except Rosa en Rosa and Naranja y Amarillo) are already SOLD OUT. Much more awaits you when we resume acceptance of orders for the flower arrangements on May 17th. *The only available items are the (1) Rose Scent Room Spray and (2) Our Mother's Day Gift Set (a specially designed box containing a single stem preserved rose and rose scent room spray). For inquiries email us at floravidabymarian@gmail.com #FloraVidabyMarian

A post shared by Flora Vida By Marian ???? (@floravidabymarian) on

 

"Thank you so much for patronizing Flora Vida by Marian. All our flower arrangements (name of provinces and colors in Spanish except Rosa en Rosa and Naranja y Amarillo) are already SOLD OUT," saad sa Instagram ng business ng Kapuso Primetime Queen.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Marian na hindi niya inaasahang tatangkilikin ang Flora Vida. Aniya, "Nagpapasalamat talaga ako sa mga taong sumusuporta at naniwala sa 'kin. Unexpected na ganito talaga ang mangyayari, na maso-sold out talaga ako."

Si Marian mismo ang nag-a-arrange ng mga bulaklak at nag-aral pa siya sa Japan bago siya tumanggap ng orders. "Kaya nga sa bawat kukuha ng flowers na 'yon, may letter ako na "this is not perfect ha." Ginagawa ko lang 'to out of passion talaga," paliwanag niya.

Iba raw ang pakiramdam na naibabahagi niya sa ibang tao ang kanyang hilig. "'Yung feeling ko kapag nakakuha ako ng bulaklak eh 'yung happiness ko na gusto ko lang naman i-share sa mga tao na sana 'yung happiness ding 'yon ay ma-extend ko sa kanila," saad ni Marian.

Ngayong May 17 ay muling tatanggap ng orders ang Flora Vida.

MORE ON MARIAN RIVERA:

EXCLUSIVE: Marian Rivera, nag-react sa biglaang pagbubuntis ni Kylie Padilla

WATCH: Pamilya Dantes, enjoy sa pamamasyal sa Italy!

LOOK: Marian Rivera, stunning on the cover of a magazine's special issue

Photos by: @marianrivera(IG)